Ngayon ay ika 4 ng abril. taon 2020
Isinulat ko ito para magbigay lakas loob, mag paalala at mag bigay payo sa mga tao. Ito ay para sa kapwa ko Pilipino
**1] Sa lahat. naway magsilbi pamulat sa ating lahat itong ganap na crisis. mahirap, mayaman, pulitiko, sindikato, at marami pang iba. sa lahat ng taon ng pangungurakot at pandadaya, pambibiktima at mga krimen na organizado.. tayo-tayo rin ang umani at nakawawa. walang mayaman sa harap ng krisis. bansa rin natin ang lulugmok dahil sa mga pansarili at malatalangkang kaisipan.
Yung mga pondo ng bawat syudad na kinorakot ay nagamit sana bilang emergency funds ngayon o nagamit sana para ihanda at palaganapin ang medisina, ospital ng bawat syudad, agrikultura at iba pang infrastractura para sa ganitong mga sakunaa.
di natin pwedeng isisi lahat sa pangulo. dahil di niya hawak ang lahat ng tao sa ating bansa. may mga partidong against sa kanya. may mga patuloy na nangungurakot. at meron ding mga malalaking sindikato sa likod. ang pangulo mismo, ginagawa niya ang parte niya para matulungan ang bansa natin. di madali maging pangulo. pag nasa matuwid ka, gigisain ka ng mga sindikato at iba pang pulitiko na liko mag-isip.
sana itong krisis na ito eh maging daan na ang mga liko ay maging matuwid at tuluyang magbalik loob sa tamang landas. magbalik loob sa tamang daan sa mata ng Diyos.
sinasabi nating ang bansa natin ay nagmamahal at may takot sa Diyos. pero bakit tuloy parin ang mga likong daan.
imagine niyo nalang kung merong tunay na pagkakaisa at tunay na takot sa Diyos. walang sindikato. lahat ng pondo nagagamit sa tama. lahat may disiplina. hindi ba maganda?
kaya please. naway itong nagaganap ngayon na krisis ay maging daan para magbalik loob at sumunod tayong tunay sa Diyos. at tumalikod na sa ating mga likong daan.
**2] Sa mga sindikato, kriminal at mga kurakot. ang mga buhay na nakitil dahil sa inyong gawa. ay dugo sa inyong mga kamay.
ito ang panhon ng pagbabago. panahon ng pag babalik loob sa Diyos at pagtalikod sa maling daan. Ito ang panahon ng bagong simula. kaya kahit sa pagkatapos ng krisis, wag na kayo bumalik sa likong daan. tuloy tuloy na sa pag sunod at pagbalik sa Diyos.
Ang mga nakaw na yaman ay walang pupuntahan. at ang mga likong daan ay may kaparusahan. matakasan niyo man ang batas ng tao. pero ang Batas ng Diyos, hindi. mahal Niya kayo at nais Niya kayong magbagong buhay. kaya habang maaga pa. Ngayon, magbagong buhay na kayo. Ngayon palang magbagong buhay na kayo.
naway magsilbing aral ang ganap na krisis ngayon. magbalik na kayo sa tamang landas. magbalik loob na kayo sa Diyos
**3] Muli. Sa lahat ng kapwa ko Pilipino. Magtulungan tayo. hindi lamang sa financial na tulong. pero pati narin sa pakikipag isa sa mga tamang gawin ngayon.
itigil na natin ang pamumulitika. itigil na natin ang wala sa lugar na mga rally. itigil na natin ang tigas ng ulo. pairalin natin ang pagkakaisa. pairalin natin ang pagbabayanihan. itigil na natin ang pagkuda na wala sa lugar. itigil natin ang fakenews. maging parte tayo ng solusyon at hindi ng problema.
simpleng pagsunod sa mga patakaran. simpleng pakikipagusap ng maayos. simpleng pag bigay donasyon at tulong. simpleng pagpapasalamat sa mga frontliners, army, LGUs at simpleng pagtulong sa kapwa na maibsan ang takot at pangamba. simpleng pagpapalabas ng mga tamang balita. at simpleng pagsunod at pagpapagamit sa Diyos.
kailangan natin mag tulungan at sa pag tutulungan lamang tayo magtatagumpay. lalo na kung makikipag-isa at makipag tulungan tayo ng tunay sa Diyos.
sanay ang pag kakaisa na ito'y mag tuloy-tuloy kahit sa pagkatapos ng krisis. at maging simula ng panibagong yugto ng ating bansa
**4] Tunay na Kaligtasan ay na kay Hesus lamang. marahil ang iba ay nagtataka bakit ko ito nasali. sa huling libro sa Bibliya, Revelations, nabanggit ang mga sakuna na magaganap. marahil isa ang krisis na ito sa mga una na sakunang nabanggit o marahil hindi. pero ito ay panahon ng kamulatan para sa ating lahat.
Tulad nga ng nsabi ko sa taas. karamihan sa ating pilipino ay kilala ang Diyos. pero hindi lahat sumusunod at may relasyon sa Diyos.
dahil kung meron tayong lahat ng tunay na relasyon sa Diyos. meron tayong disiplina, wala tayong utak talangka, meron tayong pagkaka-isa, titigil ang droga, titigil ang mga sindikato at krimen, walang mali at tiwaling pamamalakad. at marami pang iba.
marami sa atin iniisip na lahat ng namamatay ay pumupunta sa langit. at sa totoo lang, hindi po totoo yun.
liban kay Kristo, wala ng ibang daan patungo sa Langit (John14:6, Acts4:11-12). Hindi rin po sapat ang mabubuting gawa lamang para dalhin tayo sa Langit (Ephesians2:8-9, Romans3:23-24). si Hesus lang po talaga ang daan.
At sa pagtanggap natin sa Kanya bilang Panginoon (ibig sabihin ay sinusunod) at Tagapagligtas (dahil Siya lang talaga ang makakaligtas sa atin) ay simula ng pagkakaroon sa Kanya ng relasyon.
at kung meron talaga tayong relasyon sa Kanya, ay araw-araw natin Siyang susundin at ang relasyon na ito ay araw-araw din nating papalaganapin o palalalimin.
palalalimin sa pamamagitan ng pagbasa at pagsunod sa Kanyang Salita sa tulong ng Banal na Espiritu (si Lord mismo) at kapwa tunay na mananampalataya (Tunay na Simbahang sumusunod sa Kanya. Ang Simbahan ay hindi ang gusali kundi ang kapatiran o pamilya ng mga mananampalataya)
tayo ay magbalikloob ngayon sa Diyos at lumago sa ating relasyon sa Kanya kahit sa pagtapos ng krisis. Gawin natin ito ngayon habang may panahon pa.
**5] Pagtatapos. Binigyan ako ng Diyos ng kasabikan sa aking puso sa pagtatapos ng krisis na ito. ang krisis na ito ay may kaakibat na biyaya. nandun na ang oras sa pamilya. andyan na rin ang oras at opurtunidad na matuto ng mga panibagong bagay. andyan narin ang opurtunidad na magkaroon ng bagong simula.
pag hindi natin ito nasayang. pwede magkaroon ng panibagong simula ang ating bansa.
1) TAMANG PANUNUNGKULAN NG MGA NASA KAPANGYARIHAN AT TAMANG PAKIKIISA NG MAYAYAMAN AT MAHIHIRAP,
2) PAGTALIKOD SA KASAMAAN AT LIKONG DAAN AT PAGBABALIK LOOB SA DIYOS,
3) PAGKAKAISA'T WALA NG PAGKAWATAK-WATAK, WALA NG UTAK TALANGKA,
4) PAGKAKAROON NG TUNAY NA RELASYON AT PAGSUNOD SA DIYOS,
naway hindi masayang ang panahong ito na tayo ay makapag-isip, makapagngilay-ngilay, balik tanaw, balik loob at mag simula ng panibagong simula :)
merong bagong yugto sa pagkatapos. handa ba tayong makipag-isa sa Diyos para dito?
**side note: it's been a long time since i was gone. it was only now that i was able to retrieve my password. and i praise God for it. i may not be good in grammar unlike before and i may be not formal in writing, so please bear with me.
No comments:
Post a Comment