Tuesday, April 21, 2020

Blessings and Things to look forward for (things to capitalize on)

*will try to keep this short :)

Blessings amids COVID-19 


1] Family time (and friends): bonding time sa pamilya, lalo na at madalas nasa bahay lang and more time to make tawag ngayon dahol sa quarantine

2] New things and/or skills learned: bored sa bahay kasi walang magawa? may time ka na ngayon to start learning a new skill dahil dyan :)

3] Time to soak kay God and encounters with God: busy daw kaya walang time kay Lord, ngayon meron ka ng time :) know Him more :) and tulad nga ng Pangako ng ating Panginoon sa Jeremiah29:13, we will seek Him and find Him when we seek Him with all our hearts :) gusto Niya ring makipagbonding sa atin noon pa :) ngayon wala na tayong excuse kasi wala na tayong masyadong kinabibisihan :) soak in the Lord during and even after ECQ

Things to look forward for (and/or capitalize on)


1] Grow old and new bonds: maraming stock at home, mga taong need prayers and need help. yung mga di mo madalas makausap sa office or even mga friends na matagal mo ng di nakakausap, now is the time na makausap, makabonding online and grow the bond :)

2] Learn and grow in new things/skills: why stop in learning new skills lang, we can also enchance yung mga talents na meron na tayo, time rin para makapag exercise and makapag zumba :) more time para makamit ang fit body and healthy life style na inaasam-asam natin :)

3] Time to grow spiritual disciplines and grow kay God more (also to share the Gospel): marami ang aligaga, balisa, kelangan ng tulong at panalangin. it's time to reach out sa mga tao and also may oras narin tayo na hindi nag mamadlai pumasok sa office or school but have that unhurried time makipag usap kay God, devotion, Bible reading, and so on :) babad kay Lord at lakad with Lord :)

4] Mag ayos ng schedule: habang di pa hectic, pde na mag plano ng time table and schedule, para sa oras na naglift-up na ng ECQ eh di ka gulat sa rush time and also para hindi ma sa walang bahala ang lahat ng natutunan, and new habits and disciplines na nabuo during ECQ.

5] New beginning: learn from sa mga past mistakes, ECQ also opened a way na makita natin ang mga maling gawi natin. mapa gobyerno man yan, o mapa personal na buhay. simula sa mga sugal and bisyo na wala namang ambag sa personal na buhay natin hanggang sa mga pangongorakot, katiwalian at marami pang iba. naway makita natin itong oras na ito as an oppurtunity na magsimula ng matinong pamumuhay and end yung mga katiwalian and mga maling gawi. (can also be a start ng mas maayos na pamamalakad sa bawat syudad at bawat baranggay, learning (from current crisis) and preparing (sa mga susunod pa).

also, new life truly starts in knowing. accepting (as Lord and Savior) and growing (our relationship with God) in our Lord Jesus :) kasi sa Kanya lang talaga may totoo at ganap na buhay :) (john10:10, 2corinthians5:17)

sa lahat ng panahon, kahit sa panahon ng crisis, there is always a blessing to be thankful for and things to learn. lahat ng nasa mundong ito ay mawawala, pero ang Salita ng Diyos at Siya mismo ay walang hangganan (1john2:15-17)

habang buhay ka pa ay may oras pa, pwede mo pa Siyang matnggap bilang Panginoon at Tagapagligtas at matanggap ang Kanyang Regalo na buhay na walang hanggan, dahil ang Panginoong Hesus lang ang tunay na daan papuntang Langit (john14:6, romans6;23, romans5:8, acts4:11-12, romans3:23-24, ephesians2:8-9) ito ay personal na pagtanggap at hindi pwede gawin ng iba para sayo. walang purgatoryo, Langit lamang at impyerno, at walang dasal na makakaligtas sayo kapag patay ka na. kaya habang buhay ka pa ngayon, make that decision to accept Christ as Lord (meaning sinusunod) and Savior (pag tanggap natin na kailangan natin ng Tagapagligtas, dahil Siya (Hesus) lang at wala ng ibang makakapagligtas sa atin) :

have you made the decision? 
want to know God more? you can PM me at FB (mondy barez) and we can arrange an online connect group :)

habang may oras pa, habang buhay ka pa, accept Jesus as Lord and Savior :) dahil pag patay ka na, wala ng oras. walang purgatoryo, Langit o impyerno lang, at di lahat ng namamatay, sa Langit pumupunta, dahil si Hesus lang ang tunay na daan sa Langit at wala ng iba :) (ephesians2:8-9, acts4:11-12)

Friday, April 3, 2020

New Beginnings

Ngayon ay ika 4 ng abril. taon 2020

Isinulat ko ito para magbigay lakas loob, mag paalala at mag bigay payo sa mga tao. Ito ay para sa kapwa ko Pilipino


**1] Sa lahat.
naway magsilbi pamulat sa ating lahat itong ganap na crisis. mahirap, mayaman, pulitiko, sindikato, at marami pang iba. sa lahat ng taon ng pangungurakot at pandadaya, pambibiktima at mga krimen na organizado.. tayo-tayo rin ang umani at nakawawa. walang mayaman sa harap ng krisis. bansa rin natin ang lulugmok dahil sa mga pansarili at malatalangkang kaisipan. 

Yung mga pondo ng bawat syudad na kinorakot ay nagamit sana bilang emergency funds ngayon o nagamit sana para ihanda at palaganapin ang medisina, ospital ng bawat syudad, agrikultura at iba pang infrastractura para sa ganitong mga sakunaa.

di natin pwedeng isisi lahat sa pangulo. dahil di niya hawak ang lahat ng tao sa ating bansa. may mga partidong against sa kanya. may mga patuloy na nangungurakot. at meron ding mga malalaking sindikato sa likod. ang pangulo mismo, ginagawa niya ang parte niya para matulungan ang bansa natin. di madali maging pangulo. pag nasa matuwid ka, gigisain ka ng mga sindikato at iba pang pulitiko na liko mag-isip.

sana itong krisis na ito eh maging daan na ang mga liko ay maging matuwid at tuluyang magbalik loob sa tamang landas. magbalik loob sa tamang daan sa mata ng Diyos.

sinasabi nating ang bansa natin ay nagmamahal at may takot sa Diyos. pero bakit tuloy parin ang mga likong daan.

imagine niyo nalang kung merong tunay na pagkakaisa at tunay na takot sa Diyos. walang sindikato. lahat ng pondo nagagamit sa tama. lahat may disiplina. hindi ba maganda?

kaya please. naway itong nagaganap ngayon na krisis ay maging daan para magbalik loob at sumunod tayong tunay sa Diyos. at tumalikod na sa ating mga likong daan.




**2] Sa mga sindikato, kriminal at mga kurakot
. ang mga buhay na nakitil dahil sa inyong gawa. ay dugo sa inyong mga kamay.

ito ang panhon ng pagbabago. panahon ng pag babalik loob sa Diyos at pagtalikod sa maling daan. Ito ang panahon ng bagong simula. kaya kahit sa pagkatapos ng krisis, wag na kayo bumalik sa likong daan. tuloy tuloy na sa pag sunod at pagbalik sa Diyos.

Ang mga nakaw na yaman ay walang pupuntahan. at ang mga likong daan ay may kaparusahan. matakasan niyo man ang batas ng tao. pero ang Batas ng Diyos, hindi. mahal Niya kayo at nais Niya kayong magbagong buhay. kaya habang maaga pa. Ngayon, magbagong buhay na kayo. Ngayon palang magbagong buhay na kayo.

naway magsilbing aral ang ganap na krisis ngayon. magbalik na kayo sa tamang landas. magbalik loob na kayo sa Diyos   



**3] Muli. Sa lahat ng kapwa ko Pilipino
. Magtulungan tayo. hindi lamang sa financial na tulong. pero pati narin sa pakikipag isa sa mga tamang gawin ngayon.

itigil na natin ang pamumulitika. itigil na natin ang wala sa lugar na mga rally. itigil na natin ang tigas ng ulo. pairalin natin ang pagkakaisa. pairalin natin ang pagbabayanihan. itigil na natin ang pagkuda na wala sa lugar. itigil natin ang fakenews. maging parte tayo ng solusyon at hindi ng problema.

simpleng pagsunod sa mga patakaran. simpleng pakikipagusap ng maayos. simpleng pag bigay donasyon at tulong. simpleng pagpapasalamat sa mga frontliners, army, LGUs at simpleng pagtulong sa kapwa na maibsan ang takot at pangamba. simpleng pagpapalabas ng mga tamang balita. at simpleng pagsunod at pagpapagamit sa Diyos.

kailangan natin mag tulungan at sa pag tutulungan lamang tayo magtatagumpay. lalo na kung makikipag-isa at makipag tulungan tayo ng tunay sa Diyos.

sanay ang pag kakaisa na ito'y mag tuloy-tuloy kahit sa pagkatapos ng krisis. at maging simula ng panibagong yugto ng ating bansa



**4] Tunay na Kaligtasan ay na kay Hesus lamang.
 marahil ang iba ay nagtataka bakit ko ito nasali. sa huling libro sa Bibliya, Revelations, nabanggit ang mga sakuna na magaganap. marahil isa ang krisis na ito sa mga una na sakunang nabanggit o marahil hindi. pero ito ay panahon ng kamulatan para sa ating lahat.

Tulad nga ng nsabi ko sa taas. karamihan sa ating pilipino ay kilala ang Diyos. pero hindi lahat sumusunod at may relasyon sa Diyos.

dahil kung meron tayong lahat ng tunay na relasyon sa Diyos. meron tayong disiplina, wala tayong utak talangka, meron tayong pagkaka-isa, titigil ang droga, titigil ang mga sindikato at krimen, walang mali at tiwaling pamamalakad. at marami pang iba.

marami sa atin iniisip na lahat ng namamatay ay pumupunta sa langit. at sa totoo lang, hindi po totoo yun.

liban kay Kristo, wala ng ibang daan patungo sa Langit (John14:6, Acts4:11-12). Hindi rin po sapat ang mabubuting gawa lamang para dalhin tayo sa Langit (Ephesians2:8-9, Romans3:23-24). si Hesus lang po talaga ang daan.

At sa pagtanggap natin sa Kanya bilang Panginoon (ibig sabihin ay sinusunod) at Tagapagligtas (dahil Siya lang talaga ang makakaligtas sa atin) ay simula ng pagkakaroon sa Kanya ng relasyon.

at kung meron talaga tayong relasyon sa Kanya, ay araw-araw natin Siyang susundin at ang relasyon na ito ay araw-araw din nating papalaganapin o palalalimin.

palalalimin sa pamamagitan ng pagbasa at pagsunod sa Kanyang Salita sa tulong ng Banal na Espiritu (si Lord mismo) at kapwa tunay na mananampalataya (Tunay na Simbahang sumusunod sa Kanya. Ang Simbahan ay hindi ang gusali kundi ang kapatiran o pamilya ng mga mananampalataya)

tayo ay magbalikloob ngayon sa Diyos at lumago sa ating relasyon sa Kanya kahit sa pagtapos ng krisis. Gawin natin ito ngayon habang may panahon pa.


**5] Pagtatapos.
Binigyan ako ng Diyos ng kasabikan sa aking puso sa pagtatapos ng krisis na ito. ang krisis na ito ay may kaakibat na biyaya. nandun na ang oras sa pamilya. andyan na rin ang oras at opurtunidad na matuto ng mga panibagong bagay. andyan narin ang opurtunidad na magkaroon ng bagong simula.

pag hindi natin ito nasayang. pwede magkaroon ng panibagong simula ang ating bansa.
 
1) TAMANG PANUNUNGKULAN NG MGA NASA KAPANGYARIHAN AT TAMANG PAKIKIISA NG MAYAYAMAN AT MAHIHIRAP,

2) PAGTALIKOD SA KASAMAAN AT LIKONG DAAN AT PAGBABALIK LOOB SA DIYOS,

3) PAGKAKAISA'T WALA NG PAGKAWATAK-WATAK, WALA NG UTAK TALANGKA,

4) PAGKAKAROON NG TUNAY NA RELASYON AT PAGSUNOD SA DIYOS,

naway hindi masayang ang panahong ito na tayo ay makapag-isip, makapagngilay-ngilay, balik tanaw, balik loob at mag simula ng panibagong simula :)

merong bagong yugto sa pagkatapos. handa ba tayong makipag-isa sa Diyos para dito?




**side note: it's been a long time since i was gone. it was only now that i was able to retrieve my password. and i praise God for it. i may not be good in grammar unlike before and i may be not formal in writing, so please bear with me.