Chapter 1:
Sa ating mga pinapanood ay madalas nating naririnig ang salitang pangit/panget na madalas naman nating ginagamit sa pagdescribe sa kapwa tao o sa madaling sabi sa panlalait… hindi lang naman natin sa tao ito ginagamit pero sa paggamit natin sa tao ako magpopokus ng topic…ang tao ay ginawa ng Diyos sa kanyang imahe…unang rason upang masabi na walang taong panget… ang ikalawa naman ay ang quotes o ang pangungusap na "Beauty is in the eye of the beholder" na makikita naman natin sa ating paligid at kahit narin sa TV… Pagmaynakikita tayong mga magasawa o magBF at GF na sa tingin natin ay di bagay ang una pumapasok sa ating isipan ay ang salitang pangit/panget mapapisikal man o sa ugali…Pero ung tao na katipan o umiibig sa taong yun ay nakita ang kanyang tunay na kagandahan na ayon sa ikalawang rason ko. Ang bawat tao ay maykanyakanyang kagandahan…ilang tao na ang nagsabi nito…ngunit baliwala lang sa iba… meron taong maganda sa panlabas pero hindi sa panloob…merong maganda sa panloob pero hindi sa panlabas…di ba… ganun lang talaga ba ang buhay? may mabuti at masama? panget at maganda? pero ito and sasabihin ko sa inyo…ayon sa aking unang rason tayo ay pantay-pantay…walang panget…lahat maganda… ganun lang siguro sa ating paningin upang maging balanse pero sa totoo tayo ay pantay-pantay….alam ko medyo naguguluhan kayo dito pero just try…hehehe…basta ang pinakasentro ay walang panget…kinagamit lang na salita ngunit sa katotohanan ay hindi katotohanan ang nilalaman ng salita dahil sa ang lahat ay maganda…
Meron din mga taong pinagsasabihan ng Bobo dahilan sa bagsak sa akademiks ngunit di natin alam na minsan na kung sino pa ang bagsakin sila pa ang magaling sa mga bagay-bagay na di natin alam gawin…na nagpapatunay na walang taong bobo…halimbawa na lamang ang isang taong magaling sa akademiks dahil sa mabilis pumikup ng lessons pero pagdating sa paglalaro ng basketbol at paggamit ng cellphone o ng ibang hightech gadgets ay bobo samantalang kung sino ung bobo sa akademiks siya pa ang matalino sa mga bagay na di alam ng tao na iyon… di ba….wala talagang taong bobo…slow learner at fast learner meron… lahat ng bagay natututunan talagang tamad lang o slow learner kaya di maintindihan diba…..pantay-pantay din tayo sa talino…ang mga baliw nga ay matalino rin in the sense of thinking outside the box… natatawag nga tayong baliw minsan diba dahilan sa mga ideya natin na di nila maintindihan ngunit sa totoo ay hindi yun kabaliwan kundi yun ay katalinuhan… madalas lang tayong di maintindihan…kahit naman tayo diba kung di natin maintindihan ang ideya ng isang tao ay iisipin nating baliw… parang si Pilosopo tasyo na ang mga ideya ay kakaiba at ilan lang ang nakakaintindi kaya masasani na siya ay baliw ngunit di naman talaga….. ang katalinuhan niya ay walang katulad…mga pangungusap na parang may pagkabaliw ngunit meron nakatagong kahulugan na talagang magsasabi ng katalinuhan niya…baka nga pagkatapos niyo basahin ang blog na ito ay isipin ninyo na baliw din ako…
Chapter 2:
Sa ating panahon ngayon ay talagang masasabi mong malapit ng magtaggutom at malapit ng dumating ang araw na wala na tayong makain dahilan sa lumalaki na ang ating populasyon at umuunti ang supply ng pagkain…dahil ba ito sa pangongorakot o sa kasakiman at pagaabuso sa sitwasyon ng pamahalaan at ng mga tao… napanood sa tv kagabi sa balita ang pagdami ng tao sa pagbili ng NFA rice at ang pagunti o ang di sapat na supply natin ng kanin pati narin ang pagtaas ng prersyo ng mga bilihin… nakakalungkot lang isipin na hindi nalalayong dumating ang panahon na ang lahat ng Pilipino ay hindi na makakain dahil sa taas ng presyo dahilan sa tumataas ang presyo ng petrolyo sa world market… cguro, kung tama ang aking pagkakaalala, kung hindi ginalaw ni marcos ang ating pera at sigurong P1=$1 parin diba at siguro di tayo masyadong naghihikahos… pero kahit sabihin mo na ginawa ni marcos yun at ang pagbabasihan ay ang panahon nagun..ang may problema ay ang pamahalaan…kung pinilit lang ng mga nakaupo na pagsilbihan ang tao at hindi ang sarili dahilan sa sila ay nangongorakot…. siguro kahit paano makakaraos parin tayo… kung may ginagawa lang ang ating pamahalaan upang mabayaran ang utang natin at mapaunlad ang Pilipinas o kahit man lang ang ating mga basic needs ay mabigay…. Kaya namang lutasin ng pamahalaan natin ang problemang ito kung iisipin nila ang mamamayan at hindi ang kanilang sarili lalo na kapag di na si nangorakot… tayo na nga dapat ang magtulungan dahil kapwa Pilipino tayo at hirap na ang ating bansa pero ano… ano ang nangyayari…ang mamamayan ang makapangyarihan kesa sa pamahalaan…ang mamamayan ang bunuo sa pamahalaan at siya ring bomoboto diba….cguro kung di naimbento ang pera at lahat ay libre ay talagang walang maghihirap at walang magugutom sa mundo…sana dumating ang panahon na lahat ng Pilipino ay makakain at sana masolve na lahat ng problema ng ating bansa bago pa dunating na wala ng nabubuhay pa sa bansa natin….
Chapter 3:
Halos lahat ng mga mamamayan ngayon ay tumitingin lamang sa panlabas na anyo at mga gimik ng mga kumakandidato na mga opesyales o mga tumatakbong mga kandidato. Minsan nga ay hindi na nila tinitignan ang pagtratrabaho o gawain ng mga ito at minsan ay hindi nila pinapakinggan ang mga plataporma ng mga ito. Ilang ulit na nga tayo nakakaboto ng mga malingopisyales. Pero sabi nga nila, depende sa isang tao kung sino ang kanikanilang bida. siguro sayo at sa akin bida si batman pero sa iba ay si joker ang bida. Halimbawa na lamang nito ay sa aming student buddy. sa partida A. handang-handa. maraming fliers, lobo, at iba pang gimik. pero ang ilang opisyales dito ay di kagalingan. nangontrata pa sila ng ibang mga studyante upang makisama sa kanilang kampanya. sa kabilang partido ay handa rin. At alam ko na kaya nilang mapatakbo ng maayos ang student buddy. kaya lang ay naunahan sila ng kaba na dulot ng pagsigaw ng mga kinontratang estudyante ng kabilang partido. Nakadepende parin naman sa mamamayan kung sino ang kanilang iboboto. pero dapat ay bumoto tayo ng tama at gamitin natin ang ating katalinuhan sa pagboboto. makinig sa mga plataporma at husgahan ang kanilang trabaho o ang kanilang mga nagagawa bilang opesyales ng ating bansa. Ang mamamayan ang higit na makapangyarihan dahil sa nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bansa at hindi lamang sa ating mga ibinoto. Ang responsableng mamamayan ay boboto ng responsableng leader at dahilan nito ay posible ng umunlad ang ating bansa. walang imposible sa mundo ika nga nila. Dapat ay tumupad rin at sumunod tayo sa mga batas, ito ay hakbang sa kaunlaran ng ating bayan, ngunit kapg subra na ang kabalbalan ay pde naman tayong magreklamo pero unahin natin sa matiwasay at maayos na paraan bago sa boses at bago ang dahas. Sana sa darating na botohan, 2010, ay iboto natin ang mga nararapat at mga magagaling at responsableng mga pinuno. sabi nga nila, great power comes with great responsibilities
Ang bawat tao ay maykanya-kanyang bida at kontrabida sa buhay. siguro sa atin ay kriminal ang mga kriminal pero ang di natin alam baka kriminal din tayo para sa kanila. iba-iba ang panananaw ng mga tao sa iba’t-ibang bagay, merong parehas ngunit magkaiba-iba ang rason ngunit hindi ngakakahulugan na ito ay mali o tama, hindi ngakakahulugan na hindi pwedeng magkasundo. basta hindi nakakasakit at ang iyong pananaw naman ay nakakabuti at nakakatulong, ituloy mo, pero kapag kabaligtaran wag na… Lahat ng tao ay may magagawa. bulag man, bingi, pilay, o kahit na anong kapansanan na meron ka, makakatulong ka parin. Basta maniwala ka sa iyong sarili na kaya mo, at manalig at magtiwala ka sa Diyos. kahit na imposible ay magiging posible.
Chapter 4:
Naniniwala ba kayo na kahat malayo tayo sa isa’t-isa ay may mga pagkakataon na nararamdaman natin ang mga nangyayari sa bawat isa? naniniwala ba kayo nakahit di magkakadugo ay mayroong epekto ang mga ginagawa ng isang taoo bansa sa ibapang tao o bansa? Ako, oo. Gawin nalang nating halimbawa ang global warming. Sa pagpuputol ng puno ng ibang tao lahat tayo naaapektuhan. Isa rin ang pagbagsak ng economic ng america, kung saan maraming bansa ang naapektuhan ng bahagya ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay madadama rin ang mga resulta nito, isa na rito ang pagsara ng Intel sa Cavite kung saan maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. Marami pang iba’t ibang koneksyon sa mundo. kahit simpleng pag type ko lang sa keyboard may epekto na ito sa ibang tao sa ibang bansa. Kaya nga madalas sa mga Sci-Fi movies pag may time machine nagbabago lahat ang mga nangyayari sa hinaharap kapag binago ang nakaraan dahil sa mga connection naito na may connection sa mga pangyayari sa buhay ng individual na tao. In short, domino effect. There goes what you do unto others happen to you. At iba pang mag theory sa buhay ng tao. I don’t know if you believe me but, it’s what i saw and experience.
In the other hand I know na lahat ng tao naghahanap ng kapayapaan. tama di ba? ngunit di natin ito makakamit gamit ang gera o away. dahil ito ay mga one sided justice lamang. sabi ko nga di natin malalaman at maabot ang kalayaan hanggat di natin nalalaman ang tunay na ibigsabihin ng hustisya at di tayo natututong magmahal at magkaisa. Isipin mo nalang, kung ang lahat ng tao ay nagkakaisa at nagmamahalan, lahat libre, wala ng pera at walang patayan Ngunit di nga naman perpekto ang tao pero di nangangahulugan na wag tayo magmahal at wag magkaisa. tsempre mas maganda kapag nagkaisa at nagmamahalan ang mga tao. sabi ko nga: Unity+Love=Justice+Faith in God=Peace.
Chapter 5:
Pagmerun akong nakikita sa balita na mga taong nagsisisi sa di magandang nangyari sa kanila dahilan sa sila ay nanakawan, nilooban, o kahit anumang krimen, ay aking naiisip na ito ang sagot sa tanong na “Bakit may mga masasamang tao sa mundo?”. Malamang ang issagot ng karamihan dito ay upang mabalanse ang mundo. Tama ang sagot na yun. Pero meron pa isang malalaim na sagot dito. Madalas ang tao ay nakakalimot at gumagawa ng mga masasamang bagay o kaya naman ay nagpapabaya. Ang mga magnanakaw ang parang naging istrumento upang tayo ay matuto sa ating pagkakamali. halimbawa na lamang sa kalsada, ikaw naglalakad hawak-hawak ang malaking halaga ng pera at binibilang ito habang ikaw ay naglalakad, isang kapabayaan na pwedeng magdulot sa isang pangyayaring iyong pagsisisihan. Ang pagkanakaw nito sayo ang siyang magiging dahilan upang sa susunod ay magiingat ka na. Hindi lamang sa taong may hawak ng pera meroong leksyon ang pangyayari, pati narin doon sa nagnakaw ay meron itong leksyon, dito na pumapasok ang batas ng tao. Ngunit minsan ang batas ay inaabuso.
Naaalala ko pa yung kwento ng aking ama. Papunta siya sa Airport upang sunduin ang aking ina, at habang papunta palang siya sa airport ay nadamay siya sa isang habulan ng mga pulis at mga masasamang loob. Pilit pinapaalis ang aking ama ng mga pulis dahil siya ay nasagitna ng tulisan at ng mga pulis ngunit hindi siya makatabi dahilan sa sikip ng trpik at kitid ng lugar. Pinilit parin niya itong itabi ngunit nagdulot lamang ito nang pagkakabungguan ng mga sasakyan ng mga pulis at pagtaks ng tulisan. Binabaan ng mga armadong pulis ang aking ama at siya ay pinagbubugbog at sinabihan siya na kasabwat ng tulisan. Buti nalamang at pumunta ang aking ina sa lugar kung saan naganap ang pangyayari at ito ay naresolbahan. Paguwi ng aking ama, nakita ko siyang namumutla at nanginginig sa takot at doon niya nakwento ang pangyayari. Sa totoo lang. walang tunay na hustisiya at wala ring tunay na kalayaan sa kasalukuyan. nakakalungkot mang isipin ngunit yun ang katotohanan.
Sa ikalawang beses na aking napanood sa TV ang Dokyumentaryong “Signos”, ay maslalo akong kinakabahan at napapaisip kung anu-ano pabang sakuna ang darating sa ating mundo bago tayo kumilos? Tama, mundo, hindi bansa, dahil sa hindi lang naman ang bansang Pilipinas ang nakakaranas ng ganti ng kalikasan. Lumalala na ang global warming at paunti na ng paunti ang natitirang oras upang ito ay ating maresolba. Marami ng namatay at naghihirap ngayon dahilan sa hagupit ng global warming na nagdudulot ng kung anu=anong sakuna. Nandiyan ang malakas na pag-ulan at pagbaha, pabago-bago na klima, malalakas na bagyo, mainit na panahon, paglaganap ng mga sakit, pag ka tuyo ng mga ilog at sapa, pagkatunaw ng mga yelo sa antartica na nagdudulot ng pag apaw ng karagatan na pwedeng magdulot ng paglubog ng ilang isla o bansa. Mas darami pa ang mamamatay at maghihirap kung mananatili tayong bingi sa ungol ng ating inang kalikasan at bulag at manhid sa mga nakakamatay na puwersa nito na siya nating nararamdaman ngayon. Kung tutuusin masmalala pa ang global warming kesa sa mga problemang nararanasan ng individual na bansa dahilan sa ang apektado dito ay di lamng iisang tao o iisang bansa kundi tayong lahat. pilipino, Amerikano, Hapon, Intsik, at marami pa. kahit anu man ang iyong paniniwala, relihiyon, lahi, ulay, itsura at estado sa buhay. Lahat tayo ay pantay-pantay na makararanas ng hagupit ng kalikasan kung hindi tayo kikilos. Hihintayin paba natin na mamatay ang lahat bago tayo kumilos? Hihintayin pa ba nating hagupitin muli ng kalikasan bago tayo matauhan? Hihintayin pa ba nating lumala ang problemang kinakaharapng ating mundo? Bakit kailangan nating patayin ang ating inang kalikasan na siyang pinagnulan ng kung anuman ang meron tayo ngayon?
Kailangan na nating kumilos bago mahuli ang lahat. magkaisa, magmahalan, at magkaunawaan. kung gusto pa nating masilayan ang bukas at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga susunod pang henerasyon. Ang Global Warming ay isa lamang pagsubok uapang ang lahat ng tao sa mundo ay magkaisa.Chapter 6:
Madalas napagdedebatehan ang tungkol sa relihiyon at siyensya. Magkaibang sangay ng paniniwala at karunungan ngunit parehas na puno ng aral. Minsan magkasalungat ang kanilang paniniwala at minsan rin naman ay tugma. Minsan ay nagkakaaway sila dahil sa hindi pagkakaintindihan. Minsan ay mapusok o masyadong padalos-dalos ang siyensya na halos di na nila naiisip ang mga pwedeng mangyari o idulot ng mga ginagawa at gagawin nila. Minsan naman ang simbahan ay masyadong mahigpit o humihigpit. Wala naman tayong masisi sa kanila dahil parehas silang may paninindigan sa kanilang pinaniniwalan. Pero imnis na sila ay mag-away, masmaganda ata kung sila ay magtulungan. Parehas din naman kabutihan ng sangkatauhan ang kanilang hangad diba. Parang magnet lang yan, ang magkasalungat ay nagdidikit. Parang lego, di naman pdeng ung may butas ay papasukan mo ng butas diba. Isipin mo nalang, kung ang bawat imbensyon o mga aral ng mga scientist ay may kasamang karunungan ng simbahan siguro kahit paano maiiwasan ang mga sakona o mga bagay-bagay na maykinalaman sa pagkasirang kalikasan at ng mundo. Kung titignan mo baka magsimula ng gera dahil magkasalungat sila. Ngunit kung sila ay parehas na handang gawin ng lahat sa ikabubuti ng mundo at mga tao, ay dapat handa din sila na isuko ang galit o tanggapin ang pagkakaiba nila at matuto sa mga mali nila. Ang pagkakaisa ay nagsisimula sa bawat isa. There is no letter I in team but there is in Unity. Sabi ko nga sa mga dating naisulat o napost ko. There would only be peace if there is Unity and Love. At makukuha mo ang unity kung merun ding balance.
Chapter 7:
Bakit kaya pabata ng pabat ang mga nahihilig sa porno? bakit pabata ngt pabata ang edad ng mga nakikipagtalik at nabunbuntis? Dahil ba ito sa kakulangan sa edukasyon? Dahil ba ito sa gusto nating malaman ang kasagutan sa ating katanungan na kung saan ay ang pagtatalik at pagbuibuntis ang siyang kasagutan? Dahil ba sa sobrang kapabayaan ng mga tao sa kapaligiran nila na siyang dahilan upang maging bukasang mag tio sa sexual na katotohanan? O dahil ba sa mahal nila ang isa't-isa at ito ang kanilang naisip na paraan upang magsama? Maraming katanungan ngunit bihira ang sagot. Ang kabataan ay medyo mangmang ngunit hindi tanga at hindi bobo. Sadya lang silang maexperimentong klase ng tao at masyado lang silang mapusok na nagdudulot upang sila ay di maging maingat na siyang nagdudulot sa mga pangyayri na kanila ring pinagsisisihan. Minsan naman ang dahilan kaya nila ito naiisip ay sa kawalan ng pag-asa na maging sila dahil sa tutol ng kanilang mga magul;ang dahil sa estado sa buhay. Ang ilan naman ay dahil lang sa kasayahan. Ngunit sa iba, ito ay normal lang at parte ng buhay na siya ring pagdadaanan, samakatuwid ang gustio lang nilang sabihin ay nagshortcut o nagmadali ang mga kabataan upang martanbasan ito. Bakit nga ba at paano? maraming sagot nguniot wala dito ang makapagsasabi ng tunay na dahilan. Wala dito ang sagot na ating inaasam.
Alam naman natin na kahit ano sa mundo, kapag inabuso mo, masama ang resulta mabuti man o masama. Kaya ang tanong, Bakit kailangan pa natrin ito abusuhin? bakitr kailangan pa natin mangabuso? Alam naman natin lahat na ang dulot nito ay masama diba? Madaming klase ang pangaabuso. Ilan na dito ang pangaabbuso sa kalusugan, pangaabuso sa kalikasan, pangaabuso sa katalinuhan, pangaabuso sa kapagnyarihan, pangaabuso sa kapwa tao, pangaabuso sa kapayapaan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga bayani at pangaabuso sa kapayapaan na bigay ng Diyos sa atin. Dahil lang ba sa kasayahan kaya natin to inaabuso. Alalahanin na ang kasayahan na dulot ng pangaabuso ay panandalian lamang samantalang ang kasayahan na makakamit pagkalipas ng hirap ay walang katapusan. Di nga masama maging masama paminsan-minsan wag lang aabusuhin.
Madaming nagpupunta sa ibang bansa dahil sa paghahanap buhay. Dahil sa nawawalan na ng pag-asa sa ating bansa. Dahil sa ang ating mga opisyal ay mga corrupt naman. Pero kung iyong iisipin, sila nga lang ba ang may kasalanan? diba tayo rin merun? di tyayo sumusunod sa batas, madami sa atin ang nanloloko ng kapwa, at marami pang iba. Kulang tayo sa disiplina. Kung papansinin mo ang mga daan, punong-puno ang mga pader ng mga sulat o graffiti ng mga frat at mga gurpong kalye na din naman nakakatulong, maslalo nga itong nakakasama kasi pinadudumi nito ang imahe ng isang lugar. Ang pagtatapon ng basura kung saan-saan, minsan nga itinatapon nalang ito sa mga kanal na siyang dahilan kung bakit ito bumabara at nagdudulot ito ng baha kapag malakas ang ulan. Madami pang ibang halimbawa ngunit yan lang muna ang aking sasabihin. O diba, di lang sila ang may sala, tayo rin merun. Sabi nga sa TV at sa kanta ni Michale Jackson na pinamagatang "Man in the Mirror", kung gusto mo ng pagunlado pagbabago, dapat ito ay simulan mo sa iyong sarili. Kaya nga minsan kapag nakakarinig ako ng mga Piulipino na masginostoi na maniorahan na lang sa ibang bansa at itinakwil na ang inang bayan dahil sa kawa;lan ng pag-asa o dahil sa ang akala nila di na uunlad ang bansa, naiinis ako. Kasi mali sila dun. Kasi kung iyong iisipin, kung ninaais nilang uimunlad ang bansa at kesa magreklamo ay tumulong nalang silang paunlarin ito edi sana nakamit na nila ang kanilang inaasam na poagbabago. Oo may kapamngyarihan ang nakaupo sa posisyton pero diba mas may kapangyarihan tauo kasi tayo naman ang naglagay sa kanila sa posisyon at tsaka ganap na masmarami tayo sa kanila. Malakas ang impluwensya nila dahil may kapangyarihan sila o posisyon pero ano ang magagawa nun kapag kahit na mismo ang sinasak;lawan ng kanilang kapangyarihan ay di sangayon sa kanila. Wala man tayong ganoong klase ng kapangyarihan, hawak naman natin ang ating kinabukasan. Di ko rin naman sinasabi na lagi nalang trayo magrally, bigayan natin sila ng pag-asa upangf mapatunayan na karaptdapat sila perong kung hindi ta;laga, yun na ang panahon.
*I know many would react on this blog or won't mind this blog. But I tell you. Blogs are made to express ones self, to express ones ideas. right? till next post.*